Exercise # 1. Visualization
"Biswalisasyon"
Sa
larawang ito, habang ito ay ginuguhit namin sa pamamagitan ng
nakapikit ang aming mga mata. Hindi namin masukat akalain na sa
pamamagitan ng aming imahinasyon lamang ay nakakabuo kami ng ganitong
uri ng larawan. Masasabi ko na habang kami ay gumuguhit lahat ng
bahagi ng cardboard ay nilalagyan ko ng mga palatandaan na maari ko
maging basihan na hindi lalagpas sa bawat kanto. Sa una ay
nahihirapan ako dahil baka ang bawat guhit na aking ginagawa ay hind
maging makabuluhan o epektibo. Aking napagtanto na sa pamamagitan ng
ating mga imahinasyon ay may maganda tayong nabubuo kung lagi natin
naiisip na bawat hakbang na ating ginagawa ay mayroong tiwala sa
sariling kakayahan. Sa pamamagitan ng biswalisasyon na pagguhit ay
may mga bagay na nabubuo kagaya ng isang hayop, kagaya ng aso,
pagong, baboy at isang hugis puso. Nasasalamin ko na ang ating
ginagawa ay kailangan ng ibayong pokus at konsentrasyon. Sa wakas,
masaya ako dahil kahit ito ay simple lamang basta’t ito ay aking
pinaghirapan sulit ang aking ginagawa.
Comments
Post a Comment