Exercise # 5 Visualization of Things
"Visualization of Things"
Sa
guhit na biswalisasyon ng isang bagay, para sa akin ang paghawak ng
kamay ay sumisimbolo ng pag-ibig. Siguro para sa akin ito ang
nagsisilbing sukatan para sa isang tao na handa ka na alayan ng
pag-ibig sa pamamagitan ng din ng puso na nakapalibot sa guhit ito.
Pag-ibig kahit kaninuman na handa mo ialay ang iyong mga kamay na
gabayan ka. Para
sa akin, ang dalawang ibon na lumilipad sa isang globo ay
sumisimbolo ng kalayaan. Dito napapabilang ang ating bansa na tayo ay
may kalaayan na kumilos na naaayon sa batas. Pinakita dito na tayo ay
may karapatan upang mamuhay sa mundong ating ginagalawan. Sa
guhit ng karahasan at kaguluhan na nangyayari sa ating kapaligiran
sumisimbolo para sa akin ang dalawang daliri na simbolo ng
kapayapaan. Para sa akin nais kong baguhin ang mga karahasan at
kaguluhan sa isang mapayapa at matiwasay na pamahalaan.. Nais kong
simulan ito sa aking sarili na tanging dasal ko lamang ang kapayapaan
nawa ang mananatili sa pusong bawat isa.
Comments
Post a Comment