Exercise # 3. Human Face
"Human Face"
Sa ikatlong pagsasanay namin sa pagguhit ng mukha ng isang tao ay napili ko ang mukha ng ating Mahal na Ina na si Mama Maria. Sa unang pagkakataon sa wakas ay nakakaguhit ako ng ganitong awput na isang mukha. Nasisiyahan ako dahil makikita na kailangang gamitin ang tamang paraan ng “shading” na paraan sa pagguhit. Para sa akin ay mahirap ang gumuhit ng mukha ng isang tao dahil kailangan nakasalalay na ito dapit kahawig at makukuha ang insaktong anyo ng mukha ng tao. Malaki ang naitutulong ng shading dahil ito ay may malaking naiambag para magkaroon ng maayos na kinakalabasan ang aking guhit. Dito higit ko na napapahalagahan ang pagguhit kung hindi dahil sa shading hindi maging maganda ang kinalalabasan ng aking pagguhit. Sa wakas napatunayan ko rin sa sarili ko na kailangan ang ibayong praktis upang mapaghusayan ang pagguguhit.
Comments
Post a Comment